Dalawang bagong manlalaro ang kinuha ng Barangay Ginebra.

Ito ay sa katauhan nina Arvin Tolentino ng Far Eastern University at Jerrick Balanza ng Letran.

Pumirma ang dalawa ng tig-isang taon na kontrata sa koponan.

Si Balanza ang second-round pick ng Ginebra nonog nakaraang PBA Rookie Draft.

Inaasahan ang dalawa na maging regular roster ng Gins sa ika-45 season ng liga matapos na umalis ang kanilang guards na sina Teytey Teodoro at Julian Sargent.