CENTRAL MINDANAO- Sugatan ang isang Ginang nang magpaputok ng mga baril ang mga dumalo sa isang kasalan sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si NiƱa Sendad,62 anyos, byuda at residente ng Sitio Limapulot Barangay Malingao Midsayap North Cotabato.

Sinabi ng biktima na habang ginaganap ang isang kasal at kasabay ng selebrasyon ay doon na nangyari ang sabay-sabay na pagpaputok ng baril ng ilan sa mga dumalo.

Bigla nalang umanong natumba mula sa kanyang kinatatayuan si Sendad nang tamaan ng ligaw na bala.

Agad isinugod ang biktima sa isang pagamutan sa bayan ng Midsayap ngunit mabilis na inilipat sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa Cotabato City.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Midsayap PNP sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Benito Rotia sa naturang pangyayari