BUTUAN CITY – Patuloy ngayon ang malalimang imbestigasyon at hot pursuit operation ng pulisya laban sa suspek na bumaril-patay sa isang Ginang sa may P-7, Brgy. Quirino, Madrid, Surigao del Sur.

Nakilala ang biktimang si Analyn Surita Dahunog, 36-anyos, may-asawa at nakatira sa nasabing lugar.

Sa impormasyong nakuha nitong himpilan, sakay ang biktima sa pampasaherong van na galing sa Tandag City at pagkababa nito sa pinangyarihan, may hindi kilalang lalaki na naglakad at biglang lumapit sa biktima at binaril ito ng dalawang beses na siyang dahilan sa agarang kamatayan.

Daling tumakas ang mga suspek sa hindi matukoy na direksiyon.

Sa ngayon ay patuloy namang inaalam ng mga personahe ng Madrid Municipal Police Station ang posibleng motibo ng nasabing kremin.