Ilalabas ngayong araw ng Gilas Pilipinas coach Mark Dickel ang listahan ng mga manlalaro na sasabak sa Fiba Asia Cup qualifying match laban sa Indonesia.

Sinabi nito na isasagawa ang anunsiyo pagkatapos ang gagawin nilang ensayo.

Magkakahalo ng mga baguhan at mga beterano ang nasabing mga manlalaro na kaniyang pipiliin.

Ilan sa mga regular na dumadalo sa ensayo ng koponan ay sina Roger Pogoy, Troy Rosario, Poy Erram at CJ Perez.

Huling napasama sa listahan sina Javee Mocon, Justin Chua at Abu Tratter.

Sa Pebrero 21 aalis ang koponan patungong Jakarta para sa laban nila sa nasabing bansa sa darating na Pebrero 23.