-- Advertisements --
Umangat ang puwesto sa FIBA World Ranking ng Gilas Pilipinas.
Mula sa dating number 41 ay ngayon ay nasa pang-40 na ang men’s national basketball team ng bansa.
Isa sa itinuturing dahilan ng pag-angat ng ranking ng Gilas ay ang dalawang sunod na panalo sa ikalimang window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifers.
Sa nasabing laro kasi ay tinalo ng Gilas ang Jordan at Saudi Arabia.
Nasa unang puwesto ang Spain sa men’s ranking kung saan pinalitan nila sa puwesto ang USA basketball team.
Habang nasa pangatlong puwesto ang Argentina, pang-apat ang Australia at panglima ang France.