-- Advertisements --

Pasok na sa finals ang 19th Asian Games ang Gilas Pilipinas matapos malusutan nila ang China 77-76.

Bumida sa panalo ng Gilas na nagtala ng 33 points habang mayroong 13 points naman si Scottie Thompson.

Mula sa simula ay hindi nakalamang ang Gilas hanggang makapagtala ng magkasunod na three points si Brownlee sa huling 10 segundo na siyang nagpatahimik sa mga audience ng Hangzhou Olympic Center.

Huling nakapasok sa finals ng Asian Games ang Pilipinas ay noong 1990.

Makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Jordan para sa final sa araw ng Biyernes.