-- Advertisements --

Bumiyahe na patungong Jeddah, Saudi Arabia ang Gilas Pilipinas para sa paglahok nila sa FIBA Asia Cup 2025.

Sinabi ni Gilas coach Tim Cone na pagdating nila doon ay hindi nila sasayangin ang panahon para makapag-ensayo.

Bagamat naging matagumpay ang kanilang exhibition game kontra sa Macau Black Bears ay mayroon pa silang exhibiton games laban sa Jordan sa Agosto 2 na gaganapin na sa Jeddah.

Dagdag pa ni Cone na ang mga susunod na araw ay ilalaan nila sa mga matinding ensayo.

Kabilang sa mga Gilas players na nagtungo na sa Saudi Arabia ay sina naturalized player Justin Brownlee, Oftana, June Mar Fajardo, CJ Perez, Scottie Thompson, Japeth Aguilar, Jamie Malonzo, Chris Newsome, Dwight Ramos, AJ Edu, Carl Tamayo, at Kevin Quiambao.

Magsisimula ang laban ng Gilas Pilipinas laban sa Chinese Taipei sa Agosto 6 ng alas-2 ng madaling araw.

Susunod na laban nila sa Group D ang world number 22 na New Zealand sa Agosto 7 ng alas-11 ng gabi oras sa Pilipinas.

Huling laban ng Gilas sa group stage ay laban sa Iraq Agosto 9 ng alas-4 ng hapon.