Nabigo ang Gilas Pilipnas sa unang laro nila sa 2025 FIBA Asia Cup sa kamay ng Chinese Taipei 95-87.
Dominado ng Chinese Taipei ang laro kung saan sa simula pa lamang ay hindi na pinalamang ang national basketball team ng bansa sa torneo na ginanap sa Jeddah, Saudi Arabia.
Naging hamon sa Gilas ang maagang pagka-foul trouble ni naturalized player Justin Brownlee kung saan sa unang bahagi lamang ng last quarter ay na-fouled out na ito.
Pinilit pa ng Gilas Pilipinas na mailapit ang kalamangan subalit naging matindi ang ipinatupad na depensa at opensa ng Chinese Taipei.
Ito na ang pangalawang pagkatalo ng Gilas sa kamay ng Chinese Taipei na ang una ay noong buwan ng Pebrero.
Naging bida sa Chinese Taipei si Ying-Chun Chen na nagtala ng 34 points.
Susunod na makakaharap ng Gilas ang New Zealand at Iraq para sa Group D ng torneo.