Balik muli sa game si Giannis Antetokounmpo mula sa minor back injury para tulungan ang Milwaukee Bucks na talunin ang Orlando Magic, 121-99.

Umiskor ang reigning two-time NBA MVP ng 22 points para sa ikapitong panalo ng Bucks mula sa 11 games.

Ang Magic naman ay nalasap ang ika-limang talo at may anim na panalo.

Tumulong din sa kampanya ng Bucks si Khris Middleton na nagtapos sa 20 points at 10 rebounds.

Nadagdag naman sa kamalasan ng Magic ang kakulangan nila ng players.

Nanguna sa Magic si Nikola Vucevic na may 28 points at 13 rebounds pero natikman naman ng team ang ikatlong sunod na talo mula ng mawala si Markelle Fultz bunsod ng matinding knee injury.

Sa Huwebes makakaharap ng Bucks ang Detroit.

Ang Magic naman ay tatangkaing makabangon sa laban kontra Celtics.