-- Advertisements --

Nasawi si Double Olympic champion Laura Dahlmeier matapos ang ginawa nitong pag-akyat.

Kinumpirma ng German Olympic Sports Confederation ang pagkasawi ng 31-anyos na retired German biathlete.

Base sa imbestigasyon na tinamaan ng nahulog na bato ang biktima habang ito ay umaakyat sa Laila Peak sa Karakoram mountain range.

Nagsagawa agad ng rescue operations matapos na magpakawala ng distress signal ang kasama nito sa pag-akyat na si Marina Eva.

Nagpaabot naman ng labis na kalungkutan si Thomas Weikert, pangulo ng German Olympic Sports Confederation.

Si Dahlmeier ay nagtala ng kasaysayn sa 2018 Winter Olympics ng maging babaeng biathelete na nagwagi ng gold medal sa sprint at pursuit events.

Nagwagi rin ito ng limang gintong medalya sa single world championship kung saan nagretiro na sito sa sports noong 2019 sa edad na 25.