-- Advertisements --

Lalong ibinaon ng Los Angeles Clippers sa pagiging kulelat ang Houston Rockets matapos talunin kanina sa score na 109-104.

Ito na ang ika-apat na sunod na panalo ng Clippers.

Habang ang Rockets naman ay natikman nila ang ikawalong talo sa huling siyam na laro.

Nanguna si NBA star Paul George na may 33 points at 14 rebounds upang itala ng Clippers ang kanilang ika-43 panalo ngayong season para pumwesto sila sa ikatlo sa Western Conference.

Ito ay sa kabila na hindi pa rin nakakalaro sa Clippers ang iba nilang superstars na sina Rajon Rondo, Kawhi Leonard at Serge Ibaka.

Hindi naman kinaya ni John Wall na tapatan ang opensa ng Clippers kahit meron siyang 27 points at 13 assists para sa Houston.

Nasayang din ang ginawa nina Christian Wood na kumamada ng 24 points at 19 rebounds at si Kelly Olynyk na nagbuslo ng 23 at 10 rebounds.