Pinahaharap sa imbestigasyon ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) si dating DPWH Assistant District Engineer Brice Hernandez.
Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Senate President Tito Sotto III, natanggap na niya ngayong araw ang subpoena duces tecum at subpoena testificandum para kay Hernandez.
Dagdag pa ni Sotto, bibigyan niya ng otoridad ang Senate Sergeant-at-Arms upang ihatid si Hernandez sa Independent Commission on Infrastructure at tiyaking makadadalo ito sa imbestigasyon.
Pinayuhan din ni Sotto si Hernandez na magsabi ng buong katotohanan, dahil magkaiba aniya ang saklaw ng imbestigasyon ng ICI at ng Senado, na ginagawa in aid of legislation.
Samantala, hiniling naman ni Hernandez na maalis ang pinataw sa kanyang contempt upang makapangalap pa siya ng mga ebidensyang may mga sangkot pang matataas na opisyal kaugnay sa umano’y korapsyon sa flood control projects.
Giit ni Lacson, iatas na lamang ito sa iba dahil hindi magiging patas sa ilang indibidwal na pinatawan din ng contempt.
Sumingit si Sotto at sinabing ikokonsidera ng komite ang kahilingan ni Hernandez matapos siyang humarap sa imbestigasyon ng binuong Independent Commission for Infrastructure.