-- Advertisements --

Nanguna sina Paul George gamit ang season-high na walong 3-pointers at kabuuang 36 points at si Kawhi Leonard naman ay may 24 points upang ilampaso ng Los Angeles Clippers ang Cleveland Cavaliers, 121-99.

Bumawi ang Clippers matapos na makalasap ng talo kahapon sa kamay ng Brooklyn Nets.

Sa ngayon ang Clippers ang tanging NBA team na hindi pa natalo ng dalawang magkasunod na laro.

Samantala, walang maisagot ang Cavs sa walang humpay na pagpapaulan ng 3-pointers ng Clippers na umabot na sa 20 ang pumasok.

Sa loob lamang ng third quarter nakatipon kaagad ng 16 points si George.

Sa panig naman ng Cavs nanguna si Collin Sexton na may 27 habang si Darius Garland ay nagtapos sa 23.

Nagpadagdag sa kamalasan ng Cavs ang hindi pa rin paglalaro ng kanilang star players na sina Larry Nance Jr. at Kevin Love.

Ang Clippers caoch na si Tyronn Lue ay mistulang homecoming ang kanyang pagdating sa Cleveland kung saan noong taong 2016 ay nabigyan niya ng korona ang Cavaliers noong bahagi pa nila si LeBron James.