Sinisi ni WBC interim lightweight champion Ryan Garcia si Manny Pacquiao kaya nabigo ang nilulutong laban nila.

Sinabi nito na unang nag-alok ang Filipino boxing champion na labanan siya.

HIndi naman ito nagdalawang isip dahil nais nitong makalaban ang fighting senator.

Nauna rito hinamon na ni Garcia si Pacquiao noong talunin niya si Luke Campbell sa ika-pitong rounds noong Enero.

Makailang ulit na rin na ipinakalat ni Garcia na tuloy na ang laban niya kay Pacquiao kung saan gumawa pa ito ng poster ng dalawa.

-- Advertisement --

Sa panig naman ni Pacquiao na isa lamang si Garcia na ikinokonsidera niyang makaharap kung saan nangunguna dito ay si Terence Crawford.