-- Advertisements --

May mga ikinokonsidera na raw na option ang pamahalaan para sa iba’t-ibang lugar sa Luzon kaugnay ng nalalapit na pagtatapos ng ipinatupad na extended enhanced community quarantine (ECQ) sa April 30.

Sa isang panayam sinabi ni Sec. Carlito Galvez, na siyang chief implementer ng COVID-19 response, na patuloy ang konsultasyon ng gobyerno sa mga sektor kaugnay ng plano.

Nagiging maingat lang daw ang kanilang hanay sa irerekomenda nila kay Pangulong Duterte dahil sa posible ring maging epekto ng options na kanilang ikinokonsidera.

Kabilang umano sa mga pinag-uusapan ngayon ng National Task Force na option ay ang posibilidad na 15-day extension ng ECQ sa ibang lugar.

Pati na ang lifting ng malawakan at mahigpit na quarantine sa iba pang area.

Ayon kay Galvez, posibleng “high,” “modified,” at “selective” quarantine measures ang kanilanlg ipatupad matapos ang April 30.

Batid daw ng NTF ang naging epekto ng naturang quarantine sa ekonomiya, at ibang sektor kaya ilalatag muna nila ang mga kondisyon sa gagawing hakbang.