Hindi pabor si House Majority Leader Sandro Marcos na magsagawa ang Kamara ng imbestigasyon sa pagkakasangkot ng ilang mambabatas – senador man o kongresista sa flood control projects.
Ayon kay Marcos, makabubuting hintayin na lang kung ano ang magiging direktiba ng Malakanyang.
Ayon sa Presidential son may inilabas nang listahan si Pangulong Bongbong Marcos na umanoy nakinabang sa bilyones na halaga ng flood control projects.
Aniya dapat bigayn aniya ng pagkakataon ang Pangulo na maaksiyunan ang mga impormasyon na nakarating sa kanya.
Hindi umano ito dapat madaliin dahil kailangan ito ng masusi at malalimang imbestigasyon.
Dagdag pa ni Marcos, pwedeng tumulong ang Kamara sa pamamagitan ng pagkalap ng mga dagdag na impormasyon at pagtukoy sa posibleng pinagmulan ng anomalya.
Samantala, sinabi ni Marcos, depende kay Ako Bicol Party-list Representative Terry Ridon, chairman ng House Committee on Public Accounts kung ano ang direksiyon ng kanyang mga hearing.
Sinimulan na ni Ridon ang briefing sa isyu ng flood control projects ng DPWH resulta ng malawakang pagbaha sa Metro Manila sanhi ng mga bagyo at habagat.