Nilagdaan na ng Games and Amusements Board (GAB) ang Resolution No. 2025-08 upang tiyakin ang kaligtasan at integridad ng planong labanang boksing sa pagitan nina PNP Chief Nicolas Torre III at Acting Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte.
Ang resolusyong ito ay ginawa bilang tugon sa kahilingan ng dalawang opisyal na magsagawa ng isang boxing match.
Nakalagda dito sina Atty. Francisco Rivera, bilang chairman at mga miyembro ng board.
Inirerekomenda ng GAB ang pagtalaga ng isang kwalipikado at accredited professional referee para mamuno sa naturang laban.
Inutusan din ng GAB ang kanilang medical team na magbantay sa laban para agad na makapagbigay ng tulong-medikal kung kinakailangan.
Layunin ng resolusyon na matiyak ang maayos at ligtas na pagsasagawa ng laban alinsunod sa mga pamantayan ng propesyonal na isports.
Ipinapakita ng GAB ang kahalagahan ng regulasyon sa mga pampublikong kaganapang may kinalaman sa palakasan.
Hindi pa nagbibigay ng petsa ang GAB sa naturang laban, ngunit aktibo na ang paghahanda upang ito’y maging ligtas at makatarungan para sa lahat ng kalahok.