Umaasa ngayon ang Department of Justice (DoJ) na aktibong miyembro ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) na magbibigay ng “fresh” at “constructive” insights si Vice President Leni Robredo sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.
Kasunod ito ng pagtatalaga kay Robredo ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Co-Chairperson ng ICAD na magsisilbing drug czar hanggang sa taong 2022.
Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, welcome umano sa DoJ ang hakbang ng Pangulong Duterte para makatulong ang pangalawang pangulo sa pagsugpo sa iligal na droga sa bansa.
Una rito, batay sa dokumento, pirmado ni Pangulong Duterte ang designation paper ni Robredo noong Oktubre 31 bago ito tumulak papuntang Bangkok, Thailand kung saan dumalo sa 35th ASEAN Leaders’ Summit.