Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) ang extension ng isa pang buwan para sa free rides sa pagsakay sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3).
Sa isang advisory, sinabi ng DOTr na libre pa rin daw ang mga pasahero sa bago lamang isinailalim sa rehabilitation na MRT3 line hanggang May 30, 2022.
Ito ay sa kahit anong oras sa pagitan ng operating hours mula alas-4:40 ng madaling araw hanggang alas-10:10 ng gabi.
Kung maalala una nang ipinatupad ang libreng sakay mula March 28 hanggang April 30 bilang hudyat ng pagtatapos ng MRT3 rehabilitation.
Kasabay din ito ng kaarawan ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Una nang nakapagtala ang MRT3 ng aabot sa 7,227,434 na passengers as of April 26, 2022 na mga naging benipisaryo ng free ride program.
“The goal of the Department of Transportation (DOTr), led by Secretary Art Tugade and the DOTr MRT-3 Management, who can continue to deliver assistance to our countrymen who are continuously affected by the increase in goods and crude prices. This is also to benefit more from the improved and improved service of the newly-rehabilitated MRT-3 line,” bahagi pa ng statement ng DOTr.