Nagpahayag ng pagkabahala ang bansang France hinggil sa kasalukuyang sitwasyon sa West Philippine Sea kung saan mas nagiging agresibo ang China sa pambu bully sa mga barko ng Pilipinas.
Sa isang pahayag na inilabas ng Embassy of France to the Philippines, nanawagan ito na respetuhin ang international law.
Naniniwala din ang France sa pamamagitan ng pakikipag-dayalogo makakamit ang peaceful resolution hinggil sa hindi pagkaka-unawaan sa pagitan ng Pilipinas at China bunsod sa pinag-aagawang teritoryo sa rehiyon.
Lubos namang tinututulan ng France ang anumang paggamit ng puwersa o pagbabanta.
Magugunita na ibinigay ang Arbitration award sa Pilipinas sa ilalim ng UNCLOS noong July 12,2016 subalit hindi ito kinikilala ng China.
” Following the recent incidents in the South China Sea, we express our concern and call for respect for international law and the resolution of disputes through dialogue. We are resolutely opposed to any use of force or threat to do so. We recall, in this regard, the Arbitration award rendered under UNCLOS on the 12th of July 2016,” pahayag na inilabas ng Embassy of France to the Philippines.
Kamakailan lamang iniulat ng Western Command ang nasa 50 barko ng China sa Iroquois Reef at maging sa Sabina Shoal.
Siniguro naman ng Philippine Coast Guard at Armed Forces of the Philippines na mas paiigtingin pa nila ang pagbabantay sa Iroquois Reef kasunod ng pagdami ng mga barko ng China sa lugar.