Nagsasagawa na ang mga otoridad ng forensic analysis sa mga kagamitan ng Grade 9 student na umano’y namaril sa loob ng Ateneo de Zamboanga ngayong Agosto 18.
Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla, maaaring abutin ng isa o dalawang araw bago tuluyang matapos ang naturang pagsusuri at makita ang buong picture.
Masalimuot aniya ang naturang usapin ngunit kailangang suriin ang lahat ng mga kagamitan ng shooter.
Ayon kay Sec. Remulla, inasatan na niya ang mga pulis na gumawa ng malalimang investigative report at analysis sa social media acount ng shooter, kasama ang pagsasagawa ng interview sa kaniyang mga magulang.
Kailangan din aniyang magsagaw ng mga serye ng interview sa mga school personnel.
Lumalabas sa inisyal na ulat na isang lalaking Grade 10 student ang nasawi sa pamamaril na ini-livestream pa umano ng shooter sa social media. (report by Bombo Jai)
















