-- Advertisements --

Kinumpirman ni Commission on Higher Education (CHED) chairman Prospero de Vera na tuloy-tuloy ang pagbubukas ng klase sa mga kolehiyo at unibersidad sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni De Vera, noong Hulyo ay nasa 20 higher education institutions (HEIs) ang nakapagsimula na ng klase habang 731 sa Agosto at 186 sa Setyembre hanggang Oktubre.

Ayon kay De Vera, kabilang sa paraang ginagawa ng pagtuturo ay full-online sa mga lugar na malakas ang internet connection at blended learning sa ibang lugar.

Sa ikalawang semestre o Enero 2021 pa umano posibleng magkakaroon ng limited face-to-face learning sa mga kolehiyo.

Samantala, inianunsyo rin ni De Vera na sinuspinde na muna ng CHED ang foreign internship para maiwasang mahawaan ng COVID-19 at hindi magkaaberya sa pagbiyahe sa labas ng mga bansa ang mga estudiyante lalo sa medical schools.