BSP 2 Manila
-- Advertisements --

Umaabot na sa $98.5 billion o nasa P4.7 trillion ang foreign debt ng Pilipinas sa katapusan ng 2020 dahil pa rin sa pangangailangan ng pondo ng public at private sectors sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19 pandemic.

Batay sa data ng inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), tumaas ang external balance ng Pilipinas sa $14.9 billion mula sa $83.62 noong 2019.

Sinabi ni BSP Gov. Benjamin Diokno, nakadagdag sa tumaas na utang sa labas ng bansa ang net availments o inutang ng national government na $12.6 billion at iba pang pagkakautang ng mga nasa pribadong sektor, gayundin ang mga hindi nakatira pero may negosyo sa bansa.

Sa kabila nito, inihayag ni Diokno na ang pagkakautang ng bansa sa nakaraang taon ay maituturing pa ring maingat at manageable.