Croatia
Croatia

Desidido ang Croatian animal rights group na magsampa ng kaso laban sa isang footballer na pinagsisipa ang manok hanggang mapatay.

Naganap ito sa isang semi-professional match kung saan tumakbo ang grupo ng manok sa pitch sa eastern Croatia.

Kinilala ang manlalaro na si Ivan Gazdek ng NK Jelengrad, kung saan bigla na lamang sinipa nito ang manok at napatay.

Nabigyan ng red-card ang 23-anyos na manlalaro.
Humingi naman ng paumanhin si Gazdek at sinabing hindi niya sinasadya ang pangyayari.