Plano ni football star Cristiano Ronaldo na pasukin ang pag-aartista kapag nagretiro na.
Ayon sa 34-anyos na football player na interesado itong sumabak sa acting.

Dagdag na nito na isang hamon sa kaniyang sarili sakaling mapasok nito ang acting.

Aniya na marami siyang mga natutunan sa bawat araw na dumadaan.

Hindi lamang siya ang unang football player na susubok sa acting dahil naging matagumpay ang kanilang acting career ang ilang football players gaya nina Eric Cantona at Vinnie Jones.