-- Advertisements --
Nagtala ng panibagong record si Portuguese striker Cristiano Ronaldo.
Nakuha ng 40-anyos na striker ang back of the net ng dalawang beses para maitabla ang laro 2-2 sa pagitan nila ng Hungary.
Siya ang naging pangunahing goalscorer sa FIFA World Cup qualifying history.
Bago kasi nito maitala ang record ay kapantay niya si Carlos Ruiz ng Guatemala na mayroong 39 goals pero ngayon ay mayroon na siyang 41 goals
.
Sinabi ni Ronaldo na labis ito ng nasisiyahan na irepresenta ang bansa lalo na ngayong mayroon siyang panibagong record na naitala.
Mayroon na itong kabuuang 143 international goals para sa Portugal na pinalawig men’s international scoring record na kaniyang nabasag noong 2021.