koreal
Seoul football / Twitter image

Minultahan na ng Korean League ang Seoul Football Club na aabot sa 100 South Korean won o katumbas ng mahigit P4 million.

Ito ay matapos na umani nang batikos ang nasabing football club dahil sa paggamit ng mga sex dolls na nagsilbing mga audience.

Ayon sa liga na kulang ang paghingi ng tawad kaya pinatawan sila ng multa.

Mula nang niluwagan ng South Korea ang lockdown ay pinayagan na rin nila ang mga laro subalit ipinagbabawal pa rin nila ang panonood ng mga live audience sa mga laro.