-- Advertisements --

Bumuto na ang NBA Board of Governors para gawing permanente ang implementasyon ng in-game flopping bilang penalty.

Ibig sabihin, magiging bahagi na ito ng playing rules ng liga.

Una nang inimplementa ito noong 2023-2024 NBA season para sa isang taon na trial.

Matapos nito ay nagdesisyon ang NBA board na gawin itong permanente na susundin sa mga darating na games.

Sa ilalim nito, kung ang isang game official ay magtatawag ng flop penalty, ang offending player ay mapapatawan ng technical foul na tatawaging ‘non-unsportsmanlike’.

Ang opposing team naman ay mabibigyan ng isang free throw. Sinumang player ang maaaring magpasok sa naturang free throw.

Gayonpaman, hindi naman tatanggalin ang isang player dahil lamang sa flopping violation, kahit na umabot na ng dalawang tech foul ang nakuha nito.

Sa ilalim kasi ng rules ng NBA, ang sinumang player ay na makakakuha ng dalawang technical foul ay otomatikong ejected na mula sa laro.

Ang bagong rule ay gagamitin na rin sa pagsisimula ng 2024-2025 season.