-- Advertisements --

Nasungkit ng Oklahoma City Thunder ang kanilang pangatlong sunod na panalo matapos tambakan ang Atlanta Hawks sa kanilang laro, 117-100.

Pinangunahan ni Chet Holmgren ang kanyang koponan kung saan kumana ito ng 31 points, 6 na 3-point shot ang kaniyang naipasok at 12 naman na rebounds.

Habang nakapag ambag naman ang last season MVP na si Shai Gilgeous-Alexander ng 30 points at halos perfect field goal sa perimeter kung saan nagawa nitong maipasok ang 10 sa kanyang 11 tira.

Samantala, tila nanlamig naman ang kamay ng Hawks star na si Trae Young at nag ambag lamang ito ng 15 points para sa kanya koponan.

Hindi naman nakapaglaro ang mga player ng Hawks na sila Kritaps Porzingis dahil sa sakit na flu at Zaccharie Risascher dahil naman sa minor injury.

Sa ngayon ay nangunguna ang Thunder sa NBA sakanilang tatlong pangalo.