Iniulat ng Sacramento Kings na mawawala na ang kanilang nangungunang scorer na si Zach LaVine para sa natitirang bahagi ng NBA season matapos nitong i-anunsyo ang planong right hand surgery pagkatapos ng All-Star break, ayon kay veteran NBA writer Chris Haynes.
Nabatid na hindi nakapag-laro si LaVine sa nakalipas na tatlong laro ng Kings dahil sa tinukoy na tendon injury sa kanyang kanang pinkie.
Ang 30-taong-gulang na beterano ay nakapaglaro pa ng 39 laro (37 bilang starter) para sa Sacramento ngayong season, na nakapag-ambag ng average na 9.2 points, 2.8 rebounds, at 2.3 assists —ang pinakamababang stats niya sa huling walong taon.
Nakuha ng Kings si LaVine mula sa Chicago Bulls bilang bahagi ng isang three-team trade noong February 2025 trade deadline. Sa transaksyong ito, nakuha ng Sacramento ang tatlong first-round picks at tatlong second-rounders, habang lumipat naman si De’Aaron Fox sa San Antonio Spurs.
Sa kabuuan ng kanyang 12 NBA seasons, may average si LaVine ng 20.7 points, 4.0 rebounds, at 3.9 assists sa 693 laro (602 starts) sa Minnesota Timberwolves, Chicago, at Sacramento.
Tinuring siya noong All-Star para sa Bulls (2020-21 at 2021-22).
Sa kasalukuyan, ang Kings (12-44) ay kasalukuyang nakikipagkarera sa ibaba ng standings laban sa Washington Wizards, New Orleans Pelicans, Indiana Pacers, Brooklyn Nets, at Utah Jazz, kasabay ng mga ispekulasyon tungkol sa draft lottery ngayong taon.
Kamakailan lamang, pinatawan ng multa ang Pacers at Jazz dahil sa tila pagpapahinga ng mga manlalaro nito.
Babalik ang Sacramento mula sa All-Star break sa Huwebes, sa isang home game laban sa Orlando Magic.
















