-- Advertisements --

Nagpatupad na rin ng ban ang Pilipinas sa lahat ng mga flight mula Hong Kong.

Nangangahulugan ito na hindi muna makakapasok sa bansa ang mga ito dahil sa bagong naitalang COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) variant na tinaguriang Omicron.

Ayon kay National Task Force (NTF) spokesperson Restituto Padilla, kabilang ang Hong Kong, South Africa at anim pang ibang bansa ang bawal ang mga flight papuntang Pilipinas dahil sa banta ng Omicron variant.

“We banned all countries where the variant was detected. So Hong Kong detected a case of the variant, so that’s also included,” pahayag ni Padilla.

Ang Hong Kong ang may pinakamaraming overseas Filipino workers (OFW), at karamihan dito ay nakatakda sanang umuwi sa bansa ngayong holiday season.

Ang mga OFW aniya sa Hong Kong ay walang ibang paraan na makauwi sa bansa dahil sa mahigpit na border control.

Nilinaw naman ni Padilla na hindi ipinagbabawal ang galaw ng mga Filipino at tanging mga flight na kanilang sasakyan na papunta sa bansa ang pinagbabawal.

Dagdag pa ng NTF spokesperson, kung walang masakyan ang mga kababayan natin ay wala rin silang paraan para makauwi sa Pilipinas.

“Filipinos will not be prohibited from entering the country but they will undergo “strict quarantine,” pahayag ni Padilla.