Marie Valeria Bellanca Gold Medalist Disqus Throw 1

DAVAO CITY – Nagpakitang-gilas agad sa kanyang unang beses na pagsali sa Palarong Pambansa ang atleta mula Central Luzon.

Ito’y matapos nakapagbulsa ng gintong medalya sa discus throw event ang atletang si Bellanca Marie Valerio, mula sa Angeles City, Pampanga.

Si Valerio ay nakapagtala ng 33.74 meters, dahilan upang kanyang malampaso ang 16 nitong mga katunggali.

Ayon sa kanyang coach na si Romel Gonzales sa panayam ng Bombo Radyo, hindi raw talaga nila inaasahang magwawagi agad si Valerio na kanila lang nadiskubre noong nakaraang taon.

Kuwento pa ni Gonzales, nagsimulang mag-ensayo si Valerio noong Agosto 2018 at sinubukan nilang isabak ito sa ilang kompetisyon upang masubok ang kanyang kakayahan.

-- Advertisement --

Nagulat aniya sila nang makasungkit ng medalya sa mga patimpalak na sinalihan nito kahit baguhan lamang si Valerio sa sport.

Sinabi naman ni Valerio, naging inspirasyon niya ang kanyang mga magulang na lalo pang nagtulak sa kanya para paghusayan nang husto ang kanyang performance.

Samantala, nakuha naman ng atleta ng National Capital Region ang silver, habang bronze naman sa Wastern Visayas.