Itinaas na ng lokal na pamahalaan ng Marikina sa First Alarm ang Marikina River matapos na pumalo sa 15 metro ang water level sa ilog pasado 1:40am ng madaling araw.
Ang pagtaas ng tubig sa naturang ilog ay bunsod pa rin ng malalakas na pagulan dulot ng patuloy na umiiral na Hanging Habagat.
Bilang bahagi ng paghahanda ng mga otoridad ng Marikina, pinaghanda na agad ang mga residente sa paligid ng ilog para naman sa posibleng paglikas.
nakahanda na rin ang mga kagamitan ng kanilang tanggapan para sa posibleng preemptive evacuation lalo na kapag nagumpisa naang pumalo sa 16 metro ang lebel ng tubig.
Sa kasalukuyan ay nasa 13.9 meters na lamang ang water level sa Marikina River na siyang nasa normal na lebel pa sa ngayon.
Hindi naman tumitigil sa pagmonitor ang mga opisyal ng lungsod upang matiyak na agaran ang kanilang magiging aksyon.