-- Advertisements --

Inilikas ang hindi bababa sa 254 na pamilya sa Quezoin Province bunsod ng patuloy na pananalasa ng Bagyong Ramil sa lalawigan.

Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Roberto Gapasangra Jr., simula pa nitong Sabado ay nakataas na ang kanilang antas ng alerto para sa mas mabilis na pagtugon sqa mga pangangailangan ng mga residente sa kanilang lugar sa Mauban, Quezon Province.

Layon din nito na mapaghandaan ang lahat ng klase ng emerhensiya na mangangailangan ng pwersa ng mga otoridad mula sa kanilang tanggapan.

Samantala, bilang nasa bahagi ng lalawigan ang sentro ng bagyo, pinayuhan na ng local na pamahalaan ng Quezon Province ang mga residente sa lugar na magsagawa ng preemptive evacuation upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng residente.

23 evacuation centers naman ang kasalukuyang nakahanda para sa mga evacuees na maitatala sa lalawigan.