Muling inulit ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang panawagan sa mga lokal na pamahalaan na agad magpatupad ng paglilikas dahil lumakas na ang Bagyong Nando at naging super typhoon ito.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla na dapat hindi na mag-antala ang mga lokal na pamahalaan sa paglilipat ng mga tao mula sa delikadong lugar.
Dagdag pa ni Secretary Remulla, dahil super typhoon na si Nando, hindi na puwedeng ipagpaliban ang paglilikas.
Kailangan ang mabilis na aksyon ng gobyerno at tulong ng mga tao para iligtas ang buhay.
Pinayuhan din ng DILG ang publiko na sundan ang mga update mula sa PAGASA at mga lokal na pamahalaan.
Buhay ang nakataya kaya obligasyon ng gobyerno at responsibilidad ng bawat komunidad ang magpaagang paglilikas.
Giit ng Kalihim, dapat magpatupad ang mga lokal na pamahalaan ng mandatory evacuation lalo na sa mga lugar na madalas bahain, matindi ang bagyo, at may panganib sa landslide.