Pumalo na sa 23 ang kabuuang bilang ng mga nasugatan dahil sa fireworks-related injuries.
Ayon sa Department of Health (DoH), apat ang nadagdag mula sa record kahapon na 19.
Nabatid na lahat ng kaso ay dahil sa pagpapaputok at walang fireworks ingestion at wala ring stray bullet injuries.
Ang mga natamaang bahagi ng katawan ng mga biktima ay kamay (11), ulo (7), mata (6), leeg (3), dibdib (2), paa (1) at hita (1).
Lumalabas na mas mataas ito ng 12 kaso, kung ihahambing sa data ng DoH noong taong 2020.
Panawagan ng ahesya, iwasan na lang ang paggamit ng paputok upang hindi na maitalang kasama sa mga masusugatan ngayong taon.
Hindi rin hinihikayat ng mga eksperto ang paggamit ng torotot, dahil sa posibleng pagkalat ng virus.
Gayunman, maaari pa rin umanong gumawa ng ibang pampaingay sa bagong taon, kagaya ng takip ng kaldero o iba pang bagay na maaaring makalikha ng malakas na tunog.