-- Advertisements --
Arestado ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) – Batangas ang isang hinihinalang gunrunner matapos ang buy-bust operation sa isang gasolinahan sa Sto. Tomas, Batangas noong Agosto 1 ng kasalukuyang taon.
Kinilala ang suspek na si “Zandy,” na nahuling nagbebenta ng tatlong hindi lisensyadong baril: dalawang cal. 5.56 rifles at isang cal. .22 rifle —kasama ang mga magasin at bala.
Ayon kay CIDG Chief PBGen. Christopher Abrahano, ang operasyon ay bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa loose firearms at mga organisadong grupo ng kriminal.
Kakasuhan ang suspek sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. Patuloy ang pagtutok ng CIDG sa mga ilegal na armas at sindikato sa buong bansa.