-- Advertisements --

Hindi na iniisip ng beteranang aktres at Batangas Governor Vilma Santos ang paggawad sa kaniya ng National Artist Award.

Sinabi nito na ipapaubaya sa kapalaran dahil kung ito ay para sa kaniya ay mapapa-sa kaniya ang nasabing pagkilala.

Kahit hindi man ito mapili bilang National Artist ay ipagpapatuloy na lamang niya ang kanilang buhay.

May ilang plano na rin ito para sa pagbabalik niyang pelikula kung saan inaasahan na maaring magawa sa mga susunod na taon.