Nakahandang isumite ng House Infra Committee ang kanilang mga findings sa Independent Committee na pinabubuo ni Pangulong Ferdinand Marcos para imbestigahan ang mga maanomalyang infrastructure projects.
Ito ang binigyang-diin ni House Public Account Chairperson at Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon.
Ayon kay Ridon ang pagdinig ng Infra Comm ay pagtugon sa panawagan ni PBBM na siyasatin ang lahat ng mga flood control projects.
Pagtiyak ni Ridon na bubusisiin ng komite ang bawat proyekto na kwestiyunable.
Layon ng pagsisiyasat ay maglatag ng mga bagong panukala para magkaroon ng pepertual blacklist ang mga hindi maaayos na mga kontratista.
Dagdag pa ni Ridon, layunin din ng imbestigasyon na pasalihin ang mga private sector sa mga inspection ng mga proyekto para putulin ang linya ng korapsyon sa mga proyekto.
Pagtiyak ng Kongresista lahat ng findings ng komite ay kanilang ipapasa sa Independent Commission para maipakita sa taong bayan na walang pinagtatakpan na kongresista o senador.