Nagsimula na ngayong araw ang final testing at sealing ng mga vote counting machine (VCM) sa buong bansa.
Ang hakbang na ito ng Commission on Elections (Comelec) ay para siguruhing maging transparent ang halalan sa Mayo 9.
Dahil dito hinimok ng komisyon ang partisipasyon ng publiko sa final testing at sealing ng mga VCM.
Hinimok din ni Comelec Commissioner George Garcia ang lahat ng mga political parties na dumalo sa mga final testing at sealing ng mga VCM mula ngayong araw hanggang sa Mayo 7.
Ang naturang test ay para na rin masiguro na handa na ang mga makina sa halalan.
Sinabi naman ni Garcia sa mga participants sa final trsting at sealing ng mga balota na puwede silang mag- undervote, overvote, huwag mag-shade sa balota ng tama at puwede nilang punitin ang balota.
Dito makikita kung tatanggapin ba ito ng VCM.
Ang final testing at sealing dito sa Metro Manila ay isinagawa ng Comelec ngayong araw sa San Juan School malapit sa Agora Park, San Juan City na dinaluhan mismo ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan.