LA UNION – Isa na namang fallen hero ang sumakabilang buhay dahil sa Coronavirus Disease o (COVID-19) sa Riyadh, Saudi Arabia.

Ang biktima ay nakilalang si Vladimir Morales, 47, residente ng Barangay Pagudpud, city of San Fernando, La Union.

Bago ang insidente, sumailalim muna ang biktima sa operasyon ng appendix nito at nakuhanan ng swab test noong May 29, 2020.

Lumabas ang resulta nito na positive ang biktima sa nakamamatay na virus noong May 30.

Alas-11:00 ng Miyerkules ng umaga oras sa Pilipinas nang malaman ni Claire Apilado-Morales na patay na ang kanyang asawa pagkaraan ng ilang araw na pananatili nito sa Intensive Care Unit (ICU) sa pagamutan.

Sa ngayon, nagdadalamhati ang buong pamily sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay.

Si Morales ay 30 taon ng X-ray technician sa isang pagamutan sa Riyahd.