-- Advertisements --

CEBU CITY — Nagtutulungan ang Filipino community sa Louisiana, USA sa mga kapwa nitong Pinoy na nawalan ng trabaho upang makabangon sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa ulat ni Loy Madrigal, ang Bombo International Correspondent mula sa New Orleans City, na maraming establishimento ang nagsara dahil sa naranasang krisis kaya maraming manggagawang Pilipino ang nawalan ng hanapbuhay.

Kaya naman ilan sa mga aktibong Pilipino ay nagbigay ng tulong sa kapwa nito gaya ng pagbibigay ng food assistance.

Dagdag pa ni Madrigal na nananatili ang “bayanihan” spirit ng mga kapwa Pinoy at umaasang makakabangon matapos ang naranasang krisis.