Hindi umubra ang pangunguna ng Filipino-American player na si Jordan Clarkson sa Los Angeles Lakers nang biguin sila ng Los Angeles Clippers, 106-121.

Nasayang ang 20 points na naitala ni Clarkson mula sa kanyang 9-out-16 sa field goal.

Buwenas naman ang pagbabalik ni Blake Griffin sa Clippers makalipas ang isang buwan kung saan tumipa siya ng 24 points.

Sumuporta sa kanya mula sa bench si Lou Williams na may 23.

Namayagpag ang Clippers pagdating sa rebounds kung saan angat sila sa 49-35 para itala ang 15-19 kartada.

Nasadlak naman sa 11-23 win-loss record ang Lakers.

Nabaliwala rin ang mga diskarte nina Brandon Ingram na may kabuuang 18 points sa second half, gayundin si Julius Randle na nakatipon ng 18 at si Larry Nance Jr. ay nagdagdag ng 16.

Umabot na sa limang sunod-sunod na talo ang natikman ng Lakers o walo sa siyam na huling mga laro.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here