-- Advertisements --
Screenshot 2019 07 09 15 07 54

Umaasa si Department of Justice (DoJ) Secretary Menardo Guevarra na sa loob ng isang buwan ay masasampahan na ng criminal complaints ang mga opisyal ng Philhealth na sinasabing sangkot sa katiwalian.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Guevarra kailangan pa umanong mangalap ng mga dokumento ang task force na magsisilbing supporting evidence sa mga kasong nais nilang ihain.

Una nang sinabi ni Guevarra na base sa kanilang imbestigasyon ay mayroon silang nakitang mga regularidad sa Interim Reimbursement Mechanism, pagbili ng ICT equipment at ang polisiya sa accountability.

Dahil dito, inirekomenda nilang sampahan ng criminal at administrative complaints ang mga Philhealth officials na sina resigned PhilHealth chief Ricardo Morales, Executive Vice President and Chief Operating Officer Arnel De Jesus, Senior Vice Presidents Jovita Aragona, Renato Limsiaco, Jr., and Israel Francis Pargas; Officer-in-Charge Calixto Gabuya, Jr at Division Chief Bobby Crisostomo.