Leyla Fernandez
-- Advertisements --

Nagdesisyon si Filipino-Canadian tennis player Leylah Fernandez na hindi sumali sa Billie Jean King Cup Finals sa Prague.

Sinabi nito na nais lamang niyang makapagpahinga matapos ang magkakasunod na torneong sinalihan.

Huling sumali ang 19-anyos na si Fernandez ay sa Indan Wells na nagtapos lamang siya sa last 16.

Dahi dito ay papalitan na siya ng kapwa Canadian player na si Carol Zhao na siyang magrerepresenta ng kanilang bansa.

Magsisimula ang nasabing torneo sa Nobyembre 1-6.

-- Advertisement --