-- Advertisements --
Umangat sa pang-36 ang ranking ng Gilas Pilipinas matapos ang tagumpay ng Window 1 FIBA Basketball World Cup 2027 Asian Qualifiers.
Sa inilabas ng FIBA World Rankings naging susi ang magkasunod na panalo ng Gilas laban sa Guam.
Noong Nobyembre 28 ay tinambakan nila ang Guam 87-46 sa sariling court at sinundan naman ng 95-71 na panalo ng ganapin ito sa bansa.
Ang nasabing puwesto ay hawak ng Ivory Coast na hindi naglaro sa Window 1 Qualifiers kaya sila bumagsak ng ranking.
Susunod na laban ng Gilas ay kontra sa New Zealand sa Pebrero 26 at Australia naman sa March 1 na ito ay kapwa gaganapin sa Mall of Asia Arena.
Ang Australia ay nasa ranked number 6 habang ang New Zealand ay ranked 26.
















