Matutuloy pa rin ang ikatlong window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers na gaganapin sa bansa.

Ito mismo ang kinumpirma ng FIBA kung saan nakatakda itong gawin sa Clark pampanga.

-- Advertisement --

Hindi naman nagbigay pa ng ibang detalye ang FIBA kung kailan matutuloy ang dalawang laro at kung anong grupo ang maglalaro.

Nasa Group A kasi ang Gilas Pilipinas na kasama nila ang Korea, Thailand at Indonesia habang ang Group B ay binubuo ng China, Japan, Chinese Taipei at Malaysia at ang Group E ay kinabibilangan ng Iran, Syria, Saudi Arabia at Qatar.

Magugunitang nakansela ang FIBA Asia Cup qualifiers sa Doha dahil pa rin sa banta ng COVID-19.