-- Advertisements --

PInagbawalan ng World Athletics ang mga transgender female athletes na makasali sa mga female category sa international events.

Sinabi ni World Athletics president Lord Coe na simula sa Marso 31 ay bawal ng lumahok ang mga babaeng transgender athlete na sumailalim sa male puberty.

Paglilinaw nito na mayroong working group na binuo para magsagawa ng pag-aaral sa guidelines ng pagsali ng mga transgender.

Dati kasi ay pinayagan ang mga transgender female athlete na sumali basta bawasan nila ang bilang ng kanilang blood testosterone.

Iginiit nito na ang desisyon ay isinagawa para maprotektahan ang female category sa iba’t-ibang sports.

Sa ngayon aniya ay wala pang mga transgender na atleta ang lumalahok sa iba’t-ibang international sports.