Umapak na sa third round ng US Open si Roger Federer makaraang manaig ito kontra sa Bosnian na si Damir Dzumhur.

Nilumpo ni Federer si Dzumhur 3-6 6-2 6-3 6-4 sa kanilang second-round showdown.

Nakagawa ng 17 unforced errors ang world No. 3 sa pagyuko nito sa unang set.

Gayunman, naging dominante ang Swiss five-time champion sa nalalabing bahagi ng match upang itumba ang world No. 99.

Dahil sa panalo, haharapin ni Federer sa susunod na round ang magwawagi naman kina Dan Evans at Lucas Pouille sa Flushing Meadows.

“I don’t think there is a secret to a good start other than warming up well, being well prepared mentally and not underestimating your opponent. I did all of that,” wika ni Federer.