-- Advertisements --
Nagkampeon si American tennis star Coco Gauff sa French Open.
Ito ay matapos na malusutan si world No. 1 Aryna Sabalenka sa score na 6-7 (5), 6-2, 6-4 para makuha nito ang ikalawang career grand slam singles.
Ang 21-anyos na si Gauff lamang ang unang American kasunod ni Serena Williams noong 2015 ang nagwagi ng dalawang beses sa French Open.
Siya rin ang pinakabatang Amercian na nagbuhat ng Suzanne-Lenglen Cup kasunod ni Serena Williams noong 2002.
Sinabi nito na marami siyang pinagdaanan noong nabigo siya tatlong taon na nakakalipas at ito ay mahalaga sa kaniya.
Naging emosyonal naman ang Belarusian player at halos hindi matanggap ang nasabing pagkatalo.